Archive for the ‘Sponge Cola Lyrics’ Category

Lunes

Sunday, November 2nd, 2008

by Sponge Cola

Dahan-dahang lumalamig
Unti-unting dumidilim
Sa saliw ng ‘yong pagtingin
Ang oras ay…

Bumibilis
Kumakaripas
Naghihintay na lang
Kasama ng ulan

At ayokong magising
Sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, ‘di alam
Walang patutunguhan

‘Di mapigilan ang pag-ngiti
Paglaya mo’y minimithi
Nagyayaya nang makisayaw
Ang himig ay…

Nang-aaliw
Isang pagdiriwang
Sa ilalim ng bituin
Sa liwanag ng buwan

At ayokong magising
Sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, ‘di alam
Walang patutunguhan

Ayoko na
Hindi sinasadya
Hindi ko sinasadya

KLSP

Saturday, November 1st, 2008

by Sponge Cola

Sino ‘tong nakatingin?
Anghel bang magliligtas sa akin
Mga mata’y kanyang minulat sa pagdadalamhati

Hinahanap sa kung saan
Pakpak na hindi mahagilap
“Ninanais ko lang naman na maging ganap”

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin

Naghahanap ka pa ba
Ng ibang taga-lupa
“Aking tinig ay iyong dinggin”

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin

Nauubos din ang luha
Natutuyo at nawawala
Naglalaho rin pala

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin