Di na kailangan pang mag-isip kung tayo ngang dalawa
Di sa lahat ng bagay tayo ay magkatugma
Basta’t pag-ibig natin ang siyang magdadala
Bahala na
Ang dami-dami mong katwiran nagbibilang ka ba
Masinop ka, makalat ako
Naiinis ka pero natatawa ako
Pabagu-bago ang isip mo nung desidido ako
Eh ano ngayon
Kahit na oras-oras tayong di magkasundo
Kahit na lagi-lagi tayong may tampuhan
Kahit na tayo pa rin di ba?
Matitiis ba natin ang lambing ng isa’t-isa
Ang mga yakap at halik at kung ano pa
Maliliit na bagay kayang palampasin na
Ganyan talaga