Sa’n mapupulot ang pag-asa
may katwiran ba ang sana
mithi ko ang iyong galak
langit ko ang iyong kanlungan
Permiso sa isang araw na makasama ka
abiso ng pusong hirap na humahanga
Tama bang aminin na nating may taning
tong pag-ibig natin
dakila man walang kasaysayang tatabing
sa bulag na pag-ibig
Sa’n hihingi ng patawad
kung walang dalang dahilan
tangis ko ang iyong luha
nais ko ang iyong kalayaan
Permiso sa isang araw na makasama ka
abiso ng pusong hirap na humahanga
Tama bang aminin na nating may taning
tong pag-ibig natin
dakila man walang kasaysayang tatabing
sa bulag na pag-ibig